The Company, Neocolours hindi aatrasan collab sa SB19: Game na game!
The Company, Neocolours at SB19NGAYON pa lang ay abangers na ang fans and supporters ngThe Company at Neocolourssa kanilangpossible collab with SB19. Yes! Hindi uurungan ng dalawang award-winning iconic OPM. . .

The Company, Neocolours at SB19NGAYON pa lang ay abangers na ang fans and supporters ngThe Company at Neocolourssa kanilangpossible collab with SB19. Yes! Hindi uurungan ng dalawang award-winning iconic OPM group ang makasama sa isang project ang pinakasikat na P-pop artists ngayon sa Pilipinas. Nakachikahan ng BANDERA recently ang The Company at Neocolours sa naganap na presscon ng kanilang bonggang concert, ang “Pakisabi Na Lang, Tuloy Pa Rin!” produced by Echo Jam and DMC Philippines. Natanong namin ang mga miyembro ng The Company na sina Moy Ortiz, Annie Quintos, Sweet Plantado at OJ Mariano at sina Jimmy Antiporda at Ito Rapadas ng Neocolours kung payag silang maka-collab ang Kings of P-Pop. Sagot ni Annie Quintos, may mga A’tin talaga na humihiling na makipag-collab sila sa grupo, “Actually noong 40th anniversary namin we did come out with a song title ‘Bente’ written by Moy and Sweet, it was actually a very witty ‘P-pop’ single version. “From that, when people started posting it, ang daming SB19 fans ang nagsasabing, ‘Gawin n’yo na ‘to! Collab na ‘to!'” sey pa ni Annie. Sundot ni Sweet, “Matututo kayo sa amin. ”“At matututo rin kami sa kanila,” sey naman ni Moy Ortiz. “We’re also very happy that song ‘Bente’ got nominated in Awit Awards for Best Novelty Recording category. So we’re very hopeful that something that meant to be taken seriously. Baka Bet Mo:SB19 ibinandera ang hinaing ng mga Pinoy na lumalaban abroad sa ‘VISA’“But you know what, with anything, with any genre, we are open as long as mabait iyong artista. We’ve done…during the time na nag-hit iyong mga hard rock, we did a collab with Orient Pearl, Boom Dayupay, so we’re open to anyone. ”Looking forward din ang Neocolours sa possible collab with SB19. In fact, inihayag nga ni Jimmy Antiporda na may ginawa siyang project with SB19. “May upcoming akong sinulat na kanta na kakantahin ng SB19. Para iyon sa isang pelikula sa America, ang ‘Forgotten Island’. Ako ang composer nun!” excited na chika ni Jimmy. Samantala, mula noon hanggang ngayon bentang-benta pa rin ang The Company at Neocolours kaya naman isang dream collab para sa kanilang fans ang pagsasama nila sa isang major-major concert. Sey nga nina Jimmy at Ito, hindi nila iniwan ang industriya at never silang na-disband. Aktibo pa rin sila bilang TV at concert music directors, record producers, at executives, session artists, at arrangers. Si Jimmy ay mayroong sariling kumpanya, ang JAM Creations Corporation na involved sa music production para sa television at radio commercials, album recordings, at events. Si Ito naman ay ang konektado sa Universal Records. Kuwento ni Ito, matagal na nilang napag-uusapan ang collab with The Company pero hindi natutuloy dahil sa kani-kanilang schedule. “Matagal na, hindi lang talaga nagtutugma-tugma ang mga schedule. Ngayon, 2026, sabi ko, puwede na talaga,” sabi ng bokalista ng Neocolours. Ayon naman kay Jimmy, ang pagsasama ng kanilang mga grupo sa isang concert ay isang dream come true. Nakita nga raw niya agad ang potensiyal ng kanilang kolaborasyon dahil ang mga vocal arrangement ng The Company ay bagay na bagay sa instrumental-driven na tunog ng Neocolours. “They’re a vocal group. They have original songs. Kami, we’re instrumentalists, one singer. ‘Pag pinag-combine mo ’yun, busog ‘yung tunog,” ani Jimmy. “And that’s our goal. Busugin sila ng musika namin. And they go home satisfied sila,” dagdag pa ng keyboards/vocals ng Neocolours. Sey naman ni Sweet ng The Company, ang concert nila ay hindi lang tungkol sa pagpapakita ng husay sa pagkanta at pagtugtog, kundi tungkol din sa pagbibigay sa mga manonood ng isang kompletong karanasan sa entertainment. “Itong mga grupong ito, ‘yung generation ng entertainers na ito, after you watch the show, for sure, you will be entertained,” ani Sweet. “At the end of the day, ang trabaho rin namin is to entertain you, to make you feel something, to leave something behind,” aniya pa. Umaasa si Sweet na aalis ang mga manonood na may pakiramdam na sulit ang kanilang oras at perang ginugol sa konsiyerto, “We aim to entertain talaga and to make you feel good every time we’re on stage. Malaki, maliit. ”Your subscription could not be saved. Please try again. Your subscription has been successful. Mapapanood na ang “Pakisabi Na Lang, Tuloy Pa Rin!” sa October 8, 2026, sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City handog ng Echo Jam at DMC Philippines, mula sa direksyon ni Calvin Neria.